Kasaysayan ng Simbahan
Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Joseph Young


Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Joseph Young, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Joseph Young, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Joseph Young

(1797–1881)

Retrato ni Joseph Young

Joseph Young, pagkatapos ng 1847, retrato, Church History Library, PH 1700 3768.

Isang nakatatandang kapatid ni Brigham Young, si Joseph Young ay ipinanganak sa Hopkinton, Massachusetts. Siya ay nabinyagan sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw at inorden bilang elder noong Abril 1832. Nang taon na iyon, nagmisyon siya sa New York at Upper Canada. Noong taglagas ng 1832, lumipat siya sa Kirtland, Ohio, at pagkatapos ay muli siyang nagmisyon sa Upper Canada. Pinakasalan niya si Jane Bicknell noong 1834. Kalaunan sa taon na iyon, sumama siya sa ekspedisyon ng Kampo ng Israel patungong Missouri. Noong 1835, inorden si Young bilang Pitumpu, hinirang na pangulo ng Unang Korum ng Pitumpu, at nagmisyon sa silangang Estados Unidos. Siya ay isang stockholder sa Kirtland Safety Society. Lumipat si Young sa Missouri noong 1838, kung saan nasaksihan niya ang masaker sa Hawn’s Mill bago sumama sa pag-alis ng mga Banal sa estado. Noong 1840, nanirahan siya sa Nauvoo, Illinois. Doon, noong 1844, siya ay hinirang na “unang pangulo sa lahat ng korum ng mga pitumpu.” Siya ay tinanggap sa Konseho ng Limampu sa sumunod na taon. Mula 1846 hanggang 1850, nanirahan siya sa Winter Quarters (kalaunan sa Omaha, Nebraska), at sa Carterville, Iowa. Lumipat siya sa Utah Territory noong 1850.

Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 124