Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Jesse Gause, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Jesse Gause, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Jesse Gause
(mga 1784–1836)
Si Jesse Gause ay ipinanganak sa East Marlborough, Pennsylvania. Noong 1815, pinakasalan niya si Martha Johnson, na pumanaw noong 1828. Pinakasalan niya si Minerva Byram noong 1830. Bago nabinyagan sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw noong 1831 o 1832, lumahok siya sa Society of Friends (karaniwang tinatawag na Quakers) at pagkatapos ay sa United Society of Believers in Christ’s Second Appearing (karaniwang tinatawag na Shakers). Noong 1832, siya ay hinirang na tagapayo ni Joseph Smith (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 81), naglingkod bilang tagasulat ni Joseph Smith, hinirang na miyembro ng United Firm, sumama kay Joseph Smith patungong Independence, Missouri, at nagsimulang magmisyon kasama si Zebedee Coltrin sa ilang relihiyosong grupo, kabilang na ang Shakers. Siya ay humiwalay kay Coltrin noong Agosto 1832 at tila itiniwalag noong Disyembre.
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan