Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Lilburn W. Boggs, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Lilburn W. Boggs, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Lilburn W. Boggs
(1796–1860)
Lilburn W. Boggs, lithograph.
Si Lilburn W. Boggs ay ipinanganak sa Lexington, Kentucky. Naglingkod siya sa Digmaan ng 1812 at pagkatapos ay lumipat sa Missouri Territory. Noong 1817, pinakasalan niya si Julia Ann Bent; pagkatapos ng pagpanaw nito, siya ay nag-asawa muli at pinakasalan si Panthea Grant Boone noong 1823. Noong 1826, lumipat siya sa Independence, Missouri. Siya ay nahalal na senado ng estado sa ilalim ng partidong Democrat noong 1826 at 1828. Noong 1832, siya ay nahalal bilang tinyente gobernador ng estado. Naging gobernador siya nang magbitiw ang hinalinhan niya na si Daniel Dunklin noong 1836; naglingkod si Boggs hanggang 1840. Bilang gobernador, pinahintulutan niya ang pagpapalayas sa mga Banal sa mga Huling Araw sa Missouri noong 1838 sa ilalim ng tinatawag na kanyang “utos ng panlilipol” (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 124, section heading). Matapos maglingkod bilang gobernador, bumalik siya sa Independence. Siya ay malubhang nasugatan sa tangkang pagpatay noong Mayo 1842 at pinaratangan si Joseph Smith na kasabwat ni Orrin Porter Rockwell sa paggawa ng krimen. Siya ay gumaling, naglingkod sa senado ng estado noong 1842–46, at kalaunan ay lumipat sa California, kung saan siya pumanaw.
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan