Kasaysayan ng Simbahan
Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: George A. Smith


Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: George A. Smith, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

George A. Smith, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

George A. Smith

(1817–75)

Retrato ni George A. Smith.

George A. Smith, ca. 1867, retratong kuha ni Edward Martin, Church History Library, PH 5095.

Si George A. Smith, pinsan ni Joseph Smith Jr. at lolo ni George Albert Smith na naging Pangulo ng Simbahan, ay ipinanganak sa Potsdam, New York, noong 1817. Noong Setyembre 1832, nabinyagan siya sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa Potsdam. Nang sumunod na taon, lumipat siya sa Kirtland, Ohio, kung saan nakibahagi siya sa paggawa ng Kirtland Temple. Noong 1834, nagmartsa siya mula Ohio patungong Missouri bilang bahagi ng ekspedisyon ng Kampo ng Israel. Noong 1835, siya ay inorden bilang Pitumpu at sinamahan si Lyman Smith sa misyon sa silangang Estados Unidos. Noong 1838, lumipat siya sa Far West, Missouri, at di-nagtagal pagkatapos niyon sa Adan-ondi-Ahman, Missouri, kung saan siya naglingkod sa high council. Noong 1839, inorden si Smith bilang miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol, at pagkatapos niyon ay nagmisyon siya sa England hanggang 1841. Sa taong iyon sumama siya sa mga Banal sa mga Huling Araw sa Nauvoo, Illinois, at pinakasalan si Bathsheba W. Bigler. Siya ay miyembro ng Konseho ng Limampu. Naglingkod din siya bilang trustee ng Nauvoo House Association. Noong Enero 1847, isang paghahayag ang nag-atas sa kanya na tumulong sa pamamahala sa pandaruyuhan ng mga Banal sa mga Huling Araw sa Utah Territory (Doktrina at mga Tipan 136:14). Sa Utah, siya ay hinirang na mananalaysay at tagapagtala ng simbahan, at noong 1868, siya ay naging Unang Tagapayo ni Brigham Young sa Unang Panguluhan.

Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 124136