Kasaysayan ng Simbahan
Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Aaron Johnson


Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Aaron Johnson, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Aaron Johnson, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Aaron Johnson

(1806–77)

Larawan ni Aaron Johnson

Aaron Johnson, mga. 1850, crayon portrait.

Si Aaron Johnson ay ipinanganak sa Haddam, Connecticut, noong 1806. Pinakasalan niya si Polly Zeruah Kelsey noong 1827 sa New Haven, Connecticut. Noong Abril 1836, nabinyagan si Johnson sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Nang sumunod na taon, lumipat siya sa Kirtland, Ohio, kung saan siya inorden bilang elder. Noong 1838 ay lumipat siya sa Far West, Missouri, kung saan siya inorden bilang pitumpu. Noong Marso 1839, lumipat si Johnson sa Commerce, Illinois, na kalaunan ay pinalitan ng pangalang Nauvoo, kung saan siya inorden bilang high priest at hinirang sa mataas na kapulungan o high council (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 124:132). Kasama rin siya sa paggawa ng Nauvoo Temple. Noong Mayo 1846, lumipat siya sa Garden Grove, Teritoryo ng Iowa, kung saan siya naglingkod sa bishopric. Noong mga huling taon ng dekada ng 1840, nagmisyon si Johnson sa Iowa, Indiana, Illinois, at New England. Noong Setyembre 1850, lumipat siya sa Teritoryo ng Utah, kung saan naglingkod siya sa iba’t ibang katungkulang panrelihiyon at pangsibiko, kabilang ang pagiging unang bishop ng Springville.

Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 124