Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Oliver Granger, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Oliver Granger, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Oliver Granger
(1798–1841)
Si Oliver Granger ay ipinanganak sa Phelps, New York. Pinakasalan niya si Lydia Dibble noong 1813. Noong 1827, siya ay bahagyang nabulag, isang kalagayan na tumagal hanggang sa katapusan ng kanyang buhay. Siya ay nabinyagan sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw at inorden bilang elder nina Brigham at Joseph Young noong mga 1832 o 1833, pagkatapos ay lumipat siya sa Kirtland, Ohio. Sa pagitan ng 1833 at 1836, nagmisyon si Granger sa silangang Estados Unidos. Noong 1836 ay inorden siya bilang high priest at pagkatapos ay nagmisyon sa New York. Siya ay hinirang sa high council sa Kirtland noong 1837. Nang sumunod na taon, inatasan siyang ayusin ang mga usapin sa negosyo ni Joseph Smith sa Kirtland. Nilisan niya ang Kirtland patungong Far West, Missouri, noong Hunyo 1838, marahil upang kausapin ang mga tao roon tungkol sa mga bagay na iyon. Noong Hulyo 1838, si Granger ay tinagubilinan sa pamamagitan ng paghahayag na patuloy na ayusin ang mga gawain ng Unang Panguluhan sa Kirtland (Doktrina at mga Tipan 117:12–15). Bumalik siya sa Kirtland upang gawin ito at pagkatapos ay kumilos bilang kinatawan sa pagbili ng mga lupain sa Lee County, Teritoryo ng Iowa. Si Granger ay hinirang na mangulo sa Simbahan sa Kirtland noong 1839. Pumanaw siya sa Kirtland noong 1841.
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan