Kasaysayan ng Simbahan
Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Shadrach Roundy


Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Shadrach Roundy Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Shadrach Roundy, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Shadrach Roundy

(1789–1872)

Retrato ni Shadrach Roundy

Shadrach Roundy, retrato.

Si Shadrach Roundy ay ipinanganak sa Rockingham, Vermont, noong 1789. Pinakasalan niya si Betsy Quimby noong 1814. Noong Enero 1832, nabinyagan si Roundy sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa Kirtland, Ohio. Nang sumunod na Mayo, inorden siya bilang elder. Kalaunan ay naging miyembro siya ng Pitumpu. Matapos ang maikling pananatili sa Far West, Missouri, at Warsaw, Illinois, lumipat si Roundy sa Nauvoo, Illinois, noong 1840. Nang sumunod na taon, sa isang paghahayag, tinawag sina Roundy, Vinson Knight, at Samuel Smith na “mamuno sa obispado [bishopric]” (Doktrina at mga Tipan 124:141). Si Roundy ay miyembro rin ng Konseho ng Limampu. Kalaunan ay naglingkod siya bilang bishop sa Winter Quarters, na kalaunan ay naging Nebraska. Noong 1847, lumipat siya sa Lambak ng Salt Lake, sa Teritoryo ng Utah. Mula 1849 hanggang 1856, naglingkod siya bilang bishop ng Salt Lake City Sixteenth Ward.

Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 124