Kasaysayan ng Simbahan
Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Sylvester Smith


Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Sylvester Smith, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Sylvester Smith, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Sylvester Smith

(1806–80)

Si Sylvester Smith ay ipinanganak sa Tyringham, Massachusetts. Pinakasalan niya si Elizabeth Frank noong 1827. Noong Hunyo 1831, nabinyagan siya sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw at inorden bilang elder. Kalaunan sa taon na iyon, inorden siya bilang high priest ni Oliver Cowdery. Noong 1832, nagmisyon si Smith sa New England kasama si Gideon Carter (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 75:34). Noong 1834, lumipat si Smith sa Kirtland, Ohio, kung saan siya naging miyembro ng unang high council ng Simbahan (Doktrina at mga Tipan 102:3, 34). Noong taon ding iyon, sumama siya sa ekspedisyon ng Kampo ng Israel patungong Missouri. Kalaunan ay nilitis siya ng high council sa Kirtland dahil sa pagpaparatang nang mali kay Joseph Smith, ngunit matapos siyang magtapat, napanatili niya ang kanyang pagiging miyembro. Noong 1835, siya ay hinirang na pangulo ng Unang Korum ng Pitumpu, at noong 1836, siya ay naging pansamantalang tagasulat ni Joseph Smith. Noong 1838, nilisan niya ang Simbahan.

Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 75102