Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: John Johnson, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
John Johnson, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
John Johnson
(1778–1843)
Si John Johnson ay ipinanganak sa Chesterfield, New Hampshire. Noong 1800, pinakasalan niya si Alice (Elsa) Jacobs. Nabinyagan siya sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw noong mga 1831. Si Joseph Smith ay nanirahan sa tahanan ng mga Johnson sa Hiram, Ohio, noong 1831–1832; tumanggap si Joseph Smith ng labing-anim na paghahayag habang naroon (tingnan sa Doktrina at mga Tipan, “Cronolohiyang Pagkakasunud-sunod ng mga Nilalaman”). Lumipat si Johnson sa Kirtland, Ohio, noong 1833, kung saan inorden siya bilang elder ni Joseph Smith. Noong tag-init na iyon ay inorden si Johnson bilang high priest at hinirang na miyembro ng United Firm (Doktrina at mga Tipan 96:8). Naglaan siya ng pondo sa Simbahan para sa pagbili ng 103 ektaryang lupain, kung saan nagtayo ang mga Banal ng mga bahay, isang paaralan, at templo sa Kirtland. Siya ay miyembro ng unang high council ng Simbahan noong 1834–1837 (Doktrina at mga Tipan 102:3, 34) at naging stockholder sa Kirtland Safety Society. Siya ay lumayo sa Simbahan noong 1837–1838 at pumanaw sa Kirtland.
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan