Kasaysayan ng Simbahan
Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Joseph Knight Sr.


Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Joseph Knight Sr., Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Joseph Knight Sr., Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Joseph Knight Sr.

(1772–1847)

Si Joseph Knight Sr. ay ipinanganak sa Oakham, Massachusetts, noong 1772. Noong 1795, pinakasalan niya si Polly Peck. Si Knight, isang magsasaka at tagakiskis sa Colesville, New York, ay tinanggap si Joseph Smith upang magtrabaho para sa kanya bilang arawang manggagawa noong 1826. Naroon si Knight sa bukid ng pamilya Smith nang kunin ni Joseph Smith ang mga laminang ginto mula sa Hill Cumorah noong 1827, at nagbigay si Knight ng materyal na suporta kay Smith sa pagsasalin ng Aklat ni Mormon. Si Knight ay nabinyagan sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw noong Hunyo 1830. Ang isang naunang paghahayag at ang ilang bahagi ng isa pa ay patungkol sa kanya (Doktrina at mga Tipan 12; 23:6–7). Lumipat siya kasama ng mga Banal sa Ohio at pagkatapos ay sa Missouri noong 1831. Pumanaw ang kanyang unang asawa noong 1831, at pinakasalan niya si Phebe Crosby Peck noong Oktubre 1833. Noong 1840, sumama siya sa mga Banal sa Nauvoo, Illinois. Pumanaw siya sa Mount Pisgah, Iowa, habang naglalakbay pakanluran patungong Utah.

Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 12, 23, 59124