Kasaysayan ng Simbahan
Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Edward Partridge


Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Edward Partridge, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Edward Partridge, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Edward Partridge

(1793–1840)

Engraving ni Edward Partridge

Edward Partridge, 1884, engraving ng H.B. Hall and Sons, Church History Library, PH 729.

Si Edward Partridge ay ipinanganak sa Pittsfield, Massachusetts. Noong 1819, pinakasalan niya si Lydia Clisbee. Si Partridge ay bininyagan ni Joseph Smith noong Disyembre 1830 at inorden bilang elder ni Sidney Rigdon pagkaraan ng apat na araw. Noong Pebrero 1831, sa Kirtland, Ohio, si Partridge ay hinirang na unang bishop sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw at binigyan ng responsibilidad na pangasiwaan ang batas ng paglalaan sa mga Banal (Doktrina at mga Tipan 41; 42:30–3651). Patuloy siyang naglingkod bilang bishop hanggang sa kanyang pagpanaw.

Noong tag-init ng 1831, si Partridge ay naglakbay kasama si Joseph Smith patungong Jackson County, Missouri, kung saan tumulong siya sa pamamahala sa paninirahan ng nandayuhang mga Banal sa pamamagitan ng pagbili at pagbibigay ng pangangasiwaang lupa. Noong Abril 1832, siya ay itinalagang miyembro ng United Firm. Nang sumiklab ang karahasan ng mga mandurumog laban sa mga Banal sa Missouri noong Hulyo 1833, siya ay binuhusan ng alkitran at balahibo. Kasama ang kanyang pamilya, tumakas siya mula sa Jackson County patungong Clay County, Missouri, na kalaunan ay naging Caldwell County, Missouri. Naglingkod din siya bilang misyonero noong 1835 sa Missouri, Illinois, Indiana, at Ohio at pagkatapos ay sa New York at New England. Noong taglagas ng 1838, ikinulong siya sa bilangguan sa Richmond, Missouri. Noong 1839, pinalayas siya sa Missouri kasama ang iba pang mga Banal at lumipat sa Commerce, Illinois, na kalaunan ay pinalitan ng pangalang Nauvoo.

Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 35, 36, 41, 42, 50, 51, 52, 57, 58, 60, 64, 82, 115124