Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Vinson Knight, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Vinson Knight, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Vinson Knight
(1804–42)
Si Vinson Knight ay ipinanganak sa Norwich, Massachusetts, noong 1804. Pinakasalan niya si Martha McBride noong 1826. Noong tagsibol ng 1834, si Knight ay nabinyagan sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Nang sumunod na taon, lumipat siya sa Kirtland, Ohio, kung saan siya inorden bilang elder at high priest. Sa Kirtland ay naglingkod siya bilang tagapayo ni Bishop Newel K. Whitney at naging stockholder sa Kirtland Safety Society. Noong 1837, lumipat si Knight sa Far West, Missouri. Nang sumunod na taon, hinirang siya bilang gumaganap na bishop sa Adam-ondi-Ahman, Missouri. Matapos mapalayas sa Missouri kasama ang iba pang mga Banal sa mga Huling Araw, tumulong si Knight sa pagbili ng labing-walong libong ektaryang lupain para sa Simbahan sa Teritoryo ng Iowa. Pagkatapos ay nanirahan siya sa Commerce, Illinois, na kalaunan ay pinalitan ng pangalang Nauvoo, kung saan siya ay hinirang na bishop ng Lower Ward at naglingkod sa maraming posisyong pangsibiko. Noong Enero 1841, isang paghahayag ang nagtagubilin kay Knight na bumili ng stock para sa pagtatayo ng Nauvoo House at “mamuno sa obispado” (Doktrina at mga Tipan 124:74, 141). Nang sumunod na taon, pumanaw siya sa Nauvoo.
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan