Kasaysayan ng Simbahan
Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Henry G. Sherwood


Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Henry G. Sherwood, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Henry G. Sherwood, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Henry G. Sherwood

(1785–1867)

Si Henry G. Sherwood ay ipinanganak sa Kingsbury, New York, noong 1785. Pinakasalan niya si Jane J. McManagal (na binabaybay rin na McMangle) noong mga 1824. Si Sherwood ay nabinyagan sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw noong Agosto 1832, at inorden bilang elder. Pagkaraan ng halos dalawang taon, lumipat siya sa Kirtland, Ohio, kung saan naglingkod siya sa high council. Siya ay nag-asawang muli at pinakasalan si Marcia Abbott noong mga 1835. Nang sumunod na taon, nagmisyon si Sherwood sa Ohio, Kentucky, at Tennessee. Isa rin siyang stockholder sa Kirtland Safety Society. Noong 1839 ay tumulong siya sa pangangasiwa sa pinaalis na mga Banal sa mga Huling Araw sa Missouri. Nang taon ding iyon, lumipat siya sa Commerce, Illinois, na kalaunan ay pinalitan ng pangalang Nauvoo, kung saan siya ay miyembro ng high council sa Nauvoo. Siya rin ay hinirang ng high council sa Nauvoo na pangasiwaan ang pagbebenta ng mga lote sa bayan sa Commerce. Noong Enero 1841, isang paghahayag ang nagtagubilin sa kanya na bumili ng stock para sa pagtatayo ng Nauvoo House (Doktrina at mga Tipan 124:81). Noong 1847 ay lumipat siya sa Lambak ng Salt Lake, sa Teritoryo ng Utah. Noong 1852, naglingkod siya sa misyon ng kolonisasyon sa San Bernardino, California. Bumalik siya sa Teritoryo ng Utah noong 1855 at hindi nagtagal ay nilisan niya ang Simbahan.

Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 124