Kasaysayan ng Simbahan
Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Hiram Page


Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Hiram Page, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Hiram Page, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Hiram Page

(1800–52)

Si Hiram Page ay ipinanganak sa Vermont. Pinakasalan niya si Catherine Whitmer, na anak na babae nina Peter Whitmer Sr. at Mary Musselman Whitmer, noong 1825. Isa siya sa Walong Saksi ng Aklat ni Mormon noong Hunyo 1829 at nabinyagan siya sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw noong Abril 1830. Sa taon ding iyon, sinabi ni Hiram Page na nakatanggap siya ng mga paghahayag para sa Simbahan sa pamamagitan ng isang bato ng tagakita. Bilang tugon, inihayag ng Panginoon sa pamamagitan ni Joseph Smith na ang mga paghahayag ni Page ay “hindi mula sa akin” at dumating sa pamamagitan ng mga panlilinlang ni Satanas (Doktrina at mga Tipan 28:11). Iwinaksi ni Page ang kanyang mga paghahayag bilang tugon sa paghahayag. Lumipat siya kasama ng mga Banal sa Kirtland, Ohio, noong 1831 at pagkatapos ay sa Missouri noong 1832. Nilisan niya ang Simbahan noong 1838.

Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 28