Kasaysayan ng Simbahan
Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Orson Pratt


Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Orson Pratt, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Orson Pratt, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Orson Pratt

(1811–81)

Retrato ni Orson Pratt

Orson Pratt, retrato, Church History Library, PH 4258.

Si Orson Pratt ay ipinanganak sa Hartford, New York. Nabinyagan siya sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ng kanyang kapatid na si Parley noong Setyembre 1830. Noong Disyembre na iyon, siya ay inorden bilang elder at hinirang na magmisyon sa Colesville, New York. Noong 1831, lumipat siya sa Kirtland, Ohio. Matapos tawagin sa pamamagitan ng paghahayag (Doktrina at mga Tipan 52:26; 75:13103:40), nagmisyon siya sa Missouri, sa silangang Estados Unidos (dalawang beses), sa Upper Canada, at sa Great Britain.

Noong 1834, si Orson Pratt ay sumama sa ekspedisyon ng Kampo ng Israel patungong Missouri. Nang sumunod na taon, siya ay inorden bilang miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol. Noong 1836 ay pinakasalan niya si Sarah Marinda Bates. Noong Agosto 1842, habang nakatira sa Nauvoo, Illinois, si Pratt ay itiniwalag sa Simbahan, ngunit nang sumunod na Enero ay muling nabinyagan at muling inorden sa kanyang dating katungkulan sa Korum ng Labindalawa.

Si Pratt ay kabilang sa pangkat ng mga pioneer ni Brigham Young nang lumipat ang mga Banal sa Utah noong 1847 (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 136:13). Pinanguluhan niya ang Simbahan sa Great Britain mula 1848 hanggang 1849 at mula 1856 hanggang 1857. Noong 1874, siya ay hinirang na mananalaysay ng Simbahan. Naging bahagi siya ng mga rebisyon na nagresulta sa 1876 na edisyon ng Doktrina at mga Tipan.

Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 34, 52, 75, 103, 124136