Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Lyman Johnson, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Lyman Johnson, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Lyman Johnson
(1811–59)
Lyman Johnson, mga 1850, retrato, Church History Library, PH 5605.
Si Lyman Johnson ay ipinanganak sa Pomfret, Vermont, noong 1811. Nabinyagan siya sa Ohio noong Pebrero 1831, at kalaunan sa taon na iyon ay inorden siya sa priesthood. Sa pagitan ng 1832 at 1834, matapos tawagin sa pamamagitan ng paghahayag (Doktrina at mga Tipan 68:7–8; 75:14), sinamahan niya si Orson Pratt sa mga misyon sa silangang Estados Unidos at Upper Canada. Noong 1834, nagmartsa si Johnson mula Ohio patungong Missouri bilang bahagi ng Kampo ng Israel. Kalaunan ay bumalik siya sa Ohio, kung saan pinakasalan niya si Sarah Lang (Long) noong 1834 at inorden siya bilang miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol noong 1835. Noong Setyembre 1837, siya ay na-disfellowship at pagkaraan ng maikling panahon ay inalis ang pagka-disfellowship. Pagkatapos ay lumipat siya mula Ohio patungong Far West, Missouri, kung saan siya ay itiniwalag dahil sa pag-aapostasiya noong Abril 1838.
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan