Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Simeon Carter Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Simeon Carter, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Simeon Carter
(1794–1869)
Simeon Carter, retrato ng crayon portrait, Box Elder Museum.
Si Simeon Carter ay ipinanganak sa Killingworth, Connecticut, noong 1794. Pinakasalan niya si Lydia Kenyon sa Benson, Vermont, noong 1818. Si Carter ay nabinyagan sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw noong Pebrero 1831. Nang sumunod na Hunyo, siya ay inorden bilang high priest at tinawag sa pamamagitan ng paghahayag na samahan si Solomon Hancock sa misyon sa Missouri (Doktrina at mga Tipan 52:27). Noong 1832, isang paghahayag ang nagtagubilin kay Carter na mangaral kasama si Emer Harris (Doktrina at mga Tipan 75:30). Nang sumunod na taon, pinanguluhan ni Carter ang branch sa Big Blue River sa Jackson County, Missouri. Siya ay hinirang na miyembro ng high council sa Clay County, Missouri, noong 1834, at nagpatuloy sa posisyong iyon sa Caldwell County, Missouri. Matapos paalisin sa Missouri kasama ang iba pang mga Banal sa mga Huling Araw noong 1838, nanirahan si Carter sa Lee County, Teritoryo ng Iowa, noong 1840. Nagmisyon siya sa England sa pagitan ng 1846 at 1849, at pagkatapos ay lumipat siya sa Lambak ng Salt Lake sa Teritoryo ng Utah.
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan