Kasaysayan ng Simbahan
Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Wheeler Baldwin


Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Wheeler Baldwin, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Wheeler Baldwin, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Wheeler Baldwin

(1793–1887)

Si Wheeler Baldwin ay ipinanganak sa New York. Noong 1812 ay pinakasalan niya si Mary Porter, pagkatapos nito ay naglingkod siya sa Digmaan ng 1812. Noong 1830, lumipat siya sa Ohio, kung saan, noong Enero 1831, nabinyagan siya sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Noong Hunyo 1831, inorden siya bilang elder at pagkatapos bilang high priest. Sa buwang iyon, siya ay hinirang sa pamamagitan ng paghahayag na magmisyon sa Missouri (Doktrina at mga Tipan 52:31), pagkatapos niyon ay lumipat siya sa Jackson County, Missouri. Naglingkod siya bilang nangungulong elder ng isang branch doon noong 1832 at dumalo siya sa mga pulong ng high priest sa Jackson County noong 1832 at 1833. Lumipat si Baldwin kasama ang mga Banal sa Lee County, Teritoryo ng Iowa, noong 1840 at sa Pottawattamie County, Iowa, noong 1850.

Noong dekada ng 1850, lumahok si Baldwin sa iba pang mga simbahan na nagsasabing sila ang nakalinyang hahalili kay Propetang Joseph Smith, at sa huli ay sumapi siya sa Reorganized Church of Jesus Christ of Latter Day Saints noong taglagas ng 1859.

Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 52