Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Frederick G. Williams, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Frederick G. Williams, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Frederick G. Williams
(1787–1842)
Frederick G. Williams, mga 1836, oil on canvas, Church History Museum.
Si Frederick G. Williams ay ipinanganak sa Suffield, Connecticut. Noong 1815, pinakasalan niya si Rebecca Swain, at noong 1830, lumipat siya sa Kirtland, Ohio, kung saan siya nabinyagan sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw at inorden bilang elder. Agad niyang sinamahan si Oliver Cowdery sa isang misyon sa Missouri. Si Williams ay inorden bilang high priest noong 1831 at kalaunan ay naging klerk at tagasulat ni Joseph Smith (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 90:19). Noong 1833, si Williams ay dumalo sa pulong ng organisasyon ng Paaralan ng mga Propeta, naging miyembro ng United Firm (Doktrina at mga Tipan 92:1–2), at nagsimulang maglingkod bilang assistant president o tagapayo sa panguluhan ng Simbahan (Doktrina at mga Tipan 81:1; 90:6; 102:3). Noong 1834, sumama siya sa ekspedisyon ng Kampo ng Israel patungong Missouri. Si Williams ay naglingkod sa komite ng mga publikasyon na naglimbag ng Doktrina at mga Tipan at ng A Collection of Sacred Hymns [Tinipon na mga Sagradong Himno] ni Emma Smith noong 1835. Stockholder siya sa Kirtland Safety Society. Noong 1837, isang pangkalahatang pagtitipon ng Simbahan ang bumoto na alisin si Williams sa panguluhan ng Simbahan at palitan siya ni Hyrum Smith. Siya ay itiniwalag sa Simbahan noong Marso 1839 ngunit naibalik sa pagiging miyembro pagkaraan ng isang taon. Pumanaw siya sa Quincy, Illinois, noong Oktubre 1842.
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan