Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Levi Hancock, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Levi Hancock, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Levi Hancock
(1803–82)
Si Levi Hancock ay ipinanganak sa Springfield, Massachusetts. Nabinyagan siya sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa Kirtland, Ohio, noong Nobyembre 1830 at pinakasalan niya si Clarissa Reed nang sumunod na Marso. Nagmisyon siya sa Missouri noong tag-init ng 1831 matapos siyang tawagin sa pamamagitan ng paghahayag na gawin ito (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 52:29), at hinirang siyang maglingkod sa Missouri, Ohio, at Virginia noong Enero 1832. Dumalo si Hancock sa pulong ng organisasyon ng Paaralan ng mga Propeta, na ginanap sa Kirtland noong Enero 1833. Nang sumunod na taon ay sumama siya sa ekspedisyon ng Kampo ng Israel patungong Missouri. Inorden siya sa Pitumpu noong Pebrero 1835 at hinirang na Pangulo ng Pitumpu hindi nagtagal pagkaraan nito. Noong 1838 ay lumipat siya sa Missouri; noong Enero 1839, siya ay bahagi ng isang komite sa Far West, Missouri na nagpursigi sa pagpapaalis sa mga Banal sa mga Huling Araw sa Missouri. Lumipat siya sa Commerce, Illinois, na kalaunan ay pinalitan ng pangalang Nauvoo, noong 1839. Noong 1846–1847, si Hancock ay naglingkod sa Batalyong Mormon, ang nag-iisang General Authority na nagmartsa. Dumating siya sa Lambak ng Salt Lake, Utah Territory, noong 1847.
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan