Kasaysayan ng Simbahan
Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Joseph Coe


Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Joseph Coe, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Joseph Coe, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Joseph Coe

(1784–1854)

Si Joseph Coe ay isinilang sa Cayuga County, New York, noong 1784. Pinakasalan niya si Sophia Harwood noong mga 1824. Noong 1831, siya ay sumapi sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, inorden bilang elder, at lumipat sa Kirtland, Ohio. Noong Hunyo, tinawag siya sa pamamagitan ng paghahayag sa isang misyon sa Missouri (Doktrina at mga Tipan 55:6), at kalaunan sa taon na iyon, naisakatuparan niya ang misyon na iyon gayon din ang isa pa sa New York. Noong taon ding iyon, inorden siya bilang high priest. Noong 1834, siya ay hinirang sa mataas na kapulungan o high council sa Kirtland (Doktrina at mga Tipan 102:3), at nanatili siya sa konsehong iyon hanggang 1837. Noong 1835, nag-ambag siya ng ikatlong bahagi ng pondo na ginamit sa pagbili ng mga mummy at papyrus na nauugnay sa pagsasalin ni Joseph Smith ng Aklat ni Abraham. Noong Disyembre 1837, sa isang panahon ng hindi pagkakaunawaan sa Simbahan, si Coe ay itiniwalag. Nanatili siya sa Kirtland, kung saan siya pumanaw noong 1854.

Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 55102