Kasaysayan ng Simbahan
Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Solomon Hancock


Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Solomon Hancock Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Solomon Hancock, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Solomon Hancock

(1793 o 1794–1847)

Si Solomon Hancock ay ipinanganak sa Springfield, Massachusetts. Pinakasalan niya si Alta Adams noong 1815. Sa Ohio noong Nobyembre 1830, nabinyagan siya sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Nang sumunod na Hunyo ay inorden siya bilang elder at pagkatapos ay high priest, at pagkatapos ay hinirang siya sa pamamagitan ng paghahayag na magmisyon sa Missouri (Doktrina at mga Tipan 52:27). Nanirahan siya sa Jackson County, Missouri, noong 1833. Siya ay hinirang sa high council ng Zion sa Clay County, Missouri, noong 1834 at nagmisyon sa silangang Estados Unidos noong taglagas na iyon. Pumanaw ang asawa ni Hancock noong 1836. Pinakasalan niya si Phebe Adams noong Hunyo noong taon na iyon at lumipat sa Caldwell County, Missouri, noong Disyembre. Naglingkod siya bilang miyembro ng high council ng Zion sa Far West, Missouri, mula 1837 hanggang 1839. Kasama ang iba pang mga Banal, siya ay pinalayas mula sa Missouri noong tagsibol ng 1839 at lumipat sa Illinois. Doon, noong 1843, siya ay hinirang na miyembro ng high council sa Lima. Pinanguluhan niya ang branch ng Simbahan sa Yelrome (Morley’s Settlement, kalaunan sa Tioga), Illinois, noong mga 1844. Pumanaw siya malapit sa lugar na naging Council Bluffs, Iowa.

Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 52