Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Joseph Wakefield, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Joseph Wakefield, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Joseph Wakefield
(1792–1835)
Si Joseph Wakefield ay ipinanganak sa Dublin, New Hampshire. Pinakasalan niya si Eunice Sawyer noong 1812. Siya ay nabinyagan sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw at inorden bilang elder at pagkatapos bilang high priest noong Hunyo 1831. Tinawag siya sa pamamagitan ng paghahayag na magmisyon noong 1831 (Doktrina at mga Tipan 50:37; 52:35). Noong 1831–1832 ay nagmisyon siya sa New York at iba pang mga estado sa silangang Estados Unidos, at pagkatapos ay lumipat siya sa Kirtland, Ohio, area. Bago ang taong 1833, marahil pagkatapos pumanaw ng kanyang unang asawa, pinakasalan niya si Miss Pepper. Siya ay itiniwalag noong Enero 1834 at miyembro ng isang komite na nagsisikap na patunayan na ang Aklat ni Mormon ay kathang-isip lamang.
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan