Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: David Whitmer, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
David Whitmer, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
David Whitmer
(1805–88)
David Whitmer, mga 1865, retratong kuha ni Jacob T. Hicks, kopya ni Charles W. Carter, Church History Library, PH 5176.
Si David Whitmer ay ipinanganak malapit sa Harrisburg, Pennsylvania. Mahalaga ang papel niya sa pagtulong kay Joseph Smith na tapusin ang pagsasalin ng Aklat ni Mormon. Kasunod ng kanyang binyag noong Hunyo 1829, si Whitmer ay isa sa Tatlong Saksi ng Aklat ni Mormon, at naroon siya kalaunan nang opisyal na itatag ang Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw noong ika-6 ng Abril 1830. Ang ilang naunang paghahayag ay bahagyang nakatuon kay Whitmer (Doktrina at mga Tipan 14; 17; 18; 30). Noong 1831, pinakasalan niya si Julia Ann Jolly. Sa taon ding iyon lumipat sila sa Kirtland, Ohio, at pagkatapos ay sa Jackson County, Missouri (Doktrina at mga Tipan 52:25). Noong Hulyo 1834, si Whitmer ay hinirang na pangulo ng Simbahan sa Missouri, ngunit tinanggalan siya ng titulong iyon noong Pebrero 1838. Siya ay itiniwalag noong sumunod na Abril at pagkatapos ay pinalayas mula sa Far West, Missouri, noong Hunyo. Sa mga sumunod na taon, siya ay panandaliang naging bahagi ng simbahang itinatag ng dating apostol na si William E. McLellin, at pagkatapos, noong 1875, itinatag ni Whitmer ang Church of Christ (Whitmerite).
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan
Doktrina at mga Tipan 14, 17, 18, 30, 52