Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Parley P. Pratt, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Parley P. Pratt, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Parley P. Pratt
(1807–57)
Si Parley P. Pratt ay ipinanganak sa Burlington, New York. Pinakasalan niya si Thankful Halsey noong 1827. Siya ay nabinyagan sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw noong Setyembre 1830 at inorden bilang elder sa araw ding iyon. Sa sumunod na tatlong dekada, siya ay nagmisyon nang maraming beses sa Estados Unidos, Canada, England, at Chile (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 50:37; 52:26. Noong 1830, bininyagan niya at ng iba pang mga misyonero ang mga 130 indibiduwal sa Kirtland, Ohio, habang nasa misyon sa mga Lamanita (mga Native American) (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 32). Habang nagmimisyon sa England noong 1840, siya ang naging unang patnugot ng Millennial Star ng mga Banal sa mga Huling Araw. Pinanguluhan niya ang British Mission noong 1841–1842.
Noong dekada ng 1830, nanirahan si Pratt kasama ang mga Banal sa Kirtland at sa Missouri. Noong 1834, sumama siya sa ekspedisyon ng Kampo ng Israel patungong Missouri (Doktrina at mga Tipan 103). Inorden siya na miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol noong 1835. Matapos pumanaw ang kanyang unang asawa, pinakasalan niya si Mary Ann Frost Stearns noong 1837. Sa mga pag-uusig sa Missouri, ibinilanggo siya sa dalawang piitan sa Missouri noong 1838–1839. Simula noong 1843, nanirahan siya sa Nauvoo, Illinois.
Lumipat si Pratt sa Utah kasama ang mga Banal noong 1847. Pinaslang siya habang nagmimisyon sa Arkansas.
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan