Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Newel K. Whitney, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Newel Knight, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Newel K. Whitney
(1795–1850)
Newel K. Whitney, 1884, engraving ng H.B. Hall and Sons, batay sa drowing ni Danquart A. Weggeland ng isang painting ni William W. Major, Church History Library, PH 2592.
Si Newel K. Whitney ay ipinanganak sa Marlborough, Vermont. Pinakasalan niya si Elizabeth Ann Smith noong 1822 at nabinyagan sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw noong Nobyembre 1830. Nang sumunod na taon ay inorden siya bilang high priest at hinirang na bishop sa Kirtland, Ohio (Doktrina at mga Tipan 72:7–8). Kalaunan ay sumama siya kay Joseph Smith patungong Missouri (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 78:9) at pagkatapos ay sa New York City, Albany, at Boston (Doktrina at mga Tipan 84:114).
Si Whitney ay naging miyembro ng United Firm noong 1832 (Doktrina at mga Tipan 82:11). Sa pamamagitan ng paghahayag kay Joseph Smith, iniutos sa kanya na magpatakbo ng tindahan para sa kapakanan ng mga Banal (Doktrina at mga Tipan 63:42; 72:9–10; 104:39–41). Dumalo siya sa pulong ng organisasyon ng Paaralan ng mga Propeta sa Kirtland noong Enero 1833. Binili rin ni Whitney ang Peter French farm, kung saan itinayo kalaunan ang Kirtland temple. Noong 1838, isang paghahayag ang nagtagubilin kay Whitney na lisanin ang Kirtland (Doktrina at mga Tipan 117:1), at kalaunan ay lumipat siya at ang kanyang pamilya sa Commerce (kalaunan ay Nauvoo), Illinois, kung saan siya hinirang na bishop noong 1839. Siya ay tinanggap sa Konseho ng Limampu noong Marso 1844.
Matapos mapaslang si Joseph Smith, si Whitney ay hinirang na trustee-in-trust para sa Simbahan. Kalaunan noong 1844, siya ay hinirang na “unang obispo [bishop]” ng Simbahan. Lumipat siya kasama ang mga Banal sa mga Huling Araw sa Lambak ng Salt Lake noong 1848, kung saan, nang sumunod na taon, muli siyang hinirang na bishop.
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan
Doktrina at mga Tipan 63, 64, 72, 78, 82, 84, 93, 96, 104, 117