Kasaysayan ng Simbahan
Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: John Murdock


Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: John Murdock, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

John Murdock, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

John Murdock

(1792–1871)

Retrato ni John Murdock

John Murdock, mga 1850, retrato, Church History Library, PH 1700 2782.

Si John Murdock ay ipinanganak sa Kortright, New York, noong 1792. Pinakasalan niya si Julia Clapp noong 1823. Noong Nobyembre 1830, si Murdock ay bininyagan sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa Kirtland, Ohio, at inorden bilang elder. Noong 1831, pumanaw ang kanyang asawa matapos manganak ng kambal, na kalaunan ay inampon nina Joseph at Emma Smith. Ang mga naunang paghahayag ay nag-atas kay Murdock na magmisyon (Doktrina at mga Tipan 52:899:1). Naglingkod siya sa iba’t ibang misyon, kabilang ang Missouri, Ohio, Virginia, at silangang Estados Unidos sa pagitan ng 1831 at 1833; Vermont at New York noong 1835 at 1836; Indiana mula 1844 hanggang 1845; at Australia sa pagitan ng 1851 at 1853.

Noong 1834, nagmartsa si Murdock mula Ohio patungong Missouri bilang bahagi ng Kampo ng Israel. Siya ay hinirang na pangulo ng high council sa Sion noong 1836. Pinakasalan ni Murdock si Amoranda Turner noong taong iyon, ngunit pumanaw ito sa sumunod na taon. Kasunod nito ay pinakasalan niya si Electra Allen. Noong 1839, lumipat siya sa Illinois, at naging bishop siya ng Nauvoo, Illinois, Fifth Ward mula 1842 hanggang 1844. Pumanaw ang kanyang pangatlong asawa noong 1845, at pinakasalan niya si Sarah Zufelt noong 1846. Noong 1847, lumipat siya sa Utah Territory, kung saan siya ay high councilman, bishop ng Salt Lake City Fourteenth Ward, at patriarch, bago tuluyang nanirahan sa Beaver County.

Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 5299