Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: David Dort, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
David Dort, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
David Dort
(1793–1841)
Si David Dort ay ipinanganak sa Gilsum, New Hampshire, noong 1793. Pinakasalan niya si Mary (Polly) Mack—pinsan ni Joseph Smith Jr.—noong 1813. Kasunod ng pagpanaw ni Mary, pinakasalan ni Dort ang kapatid ni Mary na si Fanny Mack. Noong 1831, nabinyagan si Dort sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Noong 1834, siya ay nagmartsa sa Missouri bilang bahagi ng ekspedisyon ng Kampo ng Israel. Noong 1837, naglingkod si Dort sa high council sa Kirtland, Ohio. Nang sumunod na taon, lumipat siya sa Far West, Missouri, kung saan muli siyang naglingkod sa high council. Noong 1839, lumipat siya sa Commerce, Illinois, na kalaunan ay pinalitan ng pangalang Nauvoo, at naging miyembro ng high council doon. Pumanaw siya sa Nauvoo noong 1841.
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan