Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Isaac Galland, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Isaac Galland, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Isaac Galland
(1791–1858)
Si Isaac Galland ay ipinanganak sa Somerset County, Pennsylvania. Pinakasalan niya si Nancy Harris noong 1811 ngunit nag-asawang muli at pinakasalan si Margaret Knight noong 1816, pagkatapos ay si Hannah Kinney naman noong 1826, at kalaunan ay si Elizabeth Wilcox noong 1833. Noong 1837, ginawan niya ng mapa ang orihinal na bayan ng Keokuk, Teritoryo ng Wisconsin (kalaunan ay naging Teritoryo ng Iowa). Noong taglamig ng 1838–1839, lumipat siya sa Commerce, Illinois, na kalaunan ay pinalitan ng pangalang Nauvoo. Habang naninirahan doon, bumili siya ng lupa sa Half-Breed Tract sa Lee County, Teritoryo ng Iowa. Noong 1839, ibinenta niya ang mga labinsiyam na libong ektarya ng ari-ariang ito sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Nagbenta rin siya ng mga ari-arian sa Commerce sa Simbahan. Si Galland ay nabinyagan sa Simbahan at inorden ni Joseph Smith bilang elder noong Hulyo 1839. Noong Enero 1841, isang paghahayag ang nagtagubilin kay Galland na bumili ng stock para suportahan ang pagtatayo ng Nauvoo House (Doktrina at mga Tipan 124:78–79). Noong mga 1842, tumulong si Galland, na gumaganap bilang awtorisadong kinatawan ng Simbahan, na lutasin ang ilang transaksyon sa lupa para mapakinabangan ng mga Banal sa mga Huling Araw na lumipat sa Nauvoo mula sa silangang Estados Unidos. Nilisan niya ang Simbahan noong mga 1842.
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan