Kasaysayan ng Simbahan
Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: William E. McLellin


Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: William E. McLellin Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

William E. McLellin, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

William E. McLellin

(1806–83)

Retrato ni William E. McLellin

William E. McLellin, 1867, retrato, Church History Library, PH 1700 3737.

Si William E. McLellin ay ipinanganak sa Smith County, Tennessee, noong 1806. Nabinyagan siya sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa Jackson County, Missouri, noong tag-init ng 1831, at pagkatapos ay naglakbay siya patungong Hiram, Ohio, kung saan niya unang nakilala si Joseph Smith. Doon, nagdikta si Joseph Smith ng paghahayag na sumagot sa limang tanong ni McLellin (Doktrina at mga Tipan 66), gayundin ng isa pang paghahayag ng Panginoon para kina McLellin, Orson Hyde, Luke Johnson, at Lyman Johnson (Doktrina at mga Tipan 68). Kasunod ng dalawang maikling proselytizing mission, siya at ang kanyang asawang si Emeline Miller ay lumipat sa Independence, Missouri. Noong Disyembre 1832, si McLellin ay itiniwalag sa Simbahan sa hindi alam na mga kadahilanan. Gayunman, mabilis siyang ibinalik sa pagkamiyembro at inatasang samahan si Parley P. Pratt sa misyon sa Missouri at Illinois. Noong 1835, si McLellin ay inorden bilang miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol. Noong 1838, siya ay muling itiniwalag, kasunod niyon ay nakipag-ugnayan siya sa iba’t ibang pangkat na pinamumunuan ng mga indibiduwal na humiwalay sa Simbahan.

Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 66, 68, 7590