Kasaysayan ng Simbahan
Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Brigham Young


Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Brigham Young, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Brigham Young, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Brigham Young

(1801–77)

Daguerreotype ni Brigham Young

Brigham Young, mga 1850–1860, daguerreotype, Church History Library, PH 100.

Si Brigham Young ay ipinanganak sa Whitingham, Vermont, noong 1801. Pinakasalan niya si Miriam Angeline Works noong 1824. Noong Abril 1832, siya ay nabinyagan sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Sa pagpanaw ni Miriam noong Setyembre 1832, nagmisyon siya sa New York at Upper Canada. Noong 1833, lumipat siya sa Kirtland, Ohio, kung saan pinakasalan niya si Mary Ann Angell noong Marso 1834. Kalaunan sa taong iyon, sumama siya sa ekspedisyon ng Kampo ng Israel. Noong 1835, inorden si Young bilang miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol. Mula 1835 hanggang 1837, nagmisyon siya sa New York at New England. Lumipat si Young sa Far West, Missouri, noong 1838, at kalaunan ay tumulong sa pangangasiwa sa paglipat ng mga Banal sa mga Huling Araw mula Missouri patungong Illinois. Nagmisyon siya sa England sa pagitan ng 1839 at 1841. Pagkatapos ay lumipat siya sa Nauvoo, Illinois, kung saan siya nakasama sa Konseho ng Limampu. Si Young ay hinirang na Pangulo ng Korum ng Labindalawa noong 1840 at tinukoy na gayon sa paghahayag noong Enero 1841 (Doktrina at mga Tipan 124:127). Noong ika-8 ng Agosto 1844, pagkamatay ni Joseph Smith, ang Labindalawa ay sinang-ayunan upang pangasiwaan ang mga gawain ng Simbahan. Noong Abril 1845, si Young ay kinilala bilang “Pangulo ng buong Simbahan” sa isang kumperensya sa Nauvoo. Sa pagitan ng 1846 at 1848, pinamahalaan niya ang paglipat ng mga Banal sa mga Huling Araw sa Lambak ng Salt Lake, sa Teritoryo ng Utah, at muling inorganisa ang Unang Panguluhan. Naglingkod siya sa Utah bilang Pangulo ng Simbahan at sa iba’t ibang posisyong pangsibiko, kabilang na ang gobernador at superintendente ng Indian affairs para sa Teritoryo ng Utah.

Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 124, 126, 136138