Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Stephen Burnett Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Stephen Burnett, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Stephen Burnett
(1813–85)
Si Stephen Burnett ay ipinanganak sa Trumbull County, Ohio. Nabinyagan siya sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw noong mga huling buwan ng 1830. Nang sumunod na Hunyo, inorden siya bilang teacher. Noong Oktubre 1831, inorden siya bilang elder ni John Whitmer at bilang high priest ni Oliver Cowdery. Noong Enero 1832, pinakasalan niya si Lamira Gardner. Nang buwan ding iyon, tinawag siya sa pamamagitan ng paghahayag na “magkaisa [sila] sa ministeryo” ni Ruggles Eames (Doktrina at mga Tipan 75:30, 35). Ang isa pang paghahayag noong 1832 ay nag-atas sa kanya na ipangaral ang ebanghelyo kasama si Eden Smith (Doktrina at mga Tipan 80). Nagmisyon si Burnett sa silangang Estados Unidos, kabilang ang New Hampshire, sa pagitan ng 1832 at 1834, at naging pangulo ng kumperensya ng Simbahan sa Bath, New Hampshire, noong tag-init ng 1833. Ang kanyang pakikipag-ugnayan sa isang ministro ng Campbellite ay inilathala sa pahayagan ng Simbahan na Elders’ Journal noong 1837. Gayunman, noong 1838, nilisan niya ang Simbahan.
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan