Kasaysayan ng Simbahan
Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Vienna Jaques


Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Vienna Jaques, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Vienna Jaques, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Vienna Jaques

(1787–1884)

Retrato ni Vienna Jaques

Vienna Jaques, mga 1867, retratong kuha ni Edward Martin, Church History Library, PH 5962.

Si Vienna Jaques ay ipinanganak sa Beverly, Massachusetts. Siya ay nabinyagan sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw noong 1831. Noong Nobyembre 1832, lumipat siya sa Kirtland, Ohio. Naglaan si Jaques ng malaking halaga ng pera para sa Simbahan. Noong ika-8 ng Marso 1833, isang paghahayag sa pamamagitan ni Joseph Smith ang nagtagubilin sa kanya na lumipat sa Jackson County, Missouri mula sa Kirtland (Doktrina at mga Tipan 90:28–31). Noong Hulyo 1833, lumipat siya sa Missouri. Nang sumunod na taon, tumulong siya sa pag-aasikaso sa mga maysakit na miyembro ng ekspedisyon ng Kampo ng Israel. Ikinasal siya kay Daniel Shearer noong mga 1839 at lumipat sa Nauvoo, Illinois, noong 1842. Naglakbay siya kasama ang iba pang mga Banal patungong Teritoryo ng Utah noong 1847. Isa siya sa dalawang babae lamang na binanggit ang pangalan sa Doktrina at mga Tipan, ang isa ay si Emma Smith.

Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 90