Kasaysayan ng Simbahan
Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: William Smith


Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: William Smith Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

William Smith, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

William Smith

(1811–93)

Retrato ni William Smith.

William Smith, mga 1862, retrato, Church History Library, PH 1706.

Ang nakababatang kapatid ni Joseph Smith Jr., na si William Smith ay ipinanganak sa Royalton, Vermont. Siya ay nabinyagan sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw noong 1830 at inorden bilang teacher kalaunan sa taong iyon. Lumipat siya sa Kirtland, Ohio, noong 1831. Noong 1832, siya ay inorden bilang elder at nagmisyon sa Pennsylvania. Noong 1833, siya ay nag-aral sa Paaralan ng mga Propeta, pinakasalan si Caroline Grant, at inorden bilang high priest. Sumama siya sa ekspedisyon ng Kampo ng Israel patungong Missouri noong 1834 at inorden bilang miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol noong 1835. Pagkaraan ng tatlong taon, lumipat siya sa Missouri. Si William ay na-disfellowship noong Mayo 1839 ngunit ibinalik sa Korum ng Labindalawa kalaunan sa buwang iyon. Noong mga unang buwan ng dekada ng 1840, sa Nauvoo, Illinois, pinamatnugutan niya ang pahayagan ng lungsod na Wasp, humawak ng mga katungkulang pangsibiko, at naging miyembro ng Konseho ng Limampu. Noong 1845, namatay ang kanyang asawa, siya ay inorden na Patriarch sa Simbahan, pinakasalan si Mary Jane Rollins, at itiniwalag sa Simbahan. Kasunod niyon, umanib siya sa iba’t ibang simbahan na humiwalay sa Simbahan.

Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 124