Kasaysayan ng Simbahan
Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Almon Babbitt


Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Almon Babbitt, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Almon Babbitt, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Almon Babbitt

(1812–56)

Si Almon Babbitt ay ipinanganak sa Cheshire, Massachusetts. Nabinyagan siya sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw noong mga 1830, nagmisyon sa New York noong 1831 at 1833, at pinakasalan si Julia Ann Johnson noong mga huling taon ng 1833. Sumama siya sa ekspedisyon ng Kampo ng Israel patungong Missouri noong 1834 at hinirang siya na miyembro ng Unang Korum ng Pitumpu noong 1835. Siya ay na-disfellowship noong Disyembre 1835 ngunit inalis ang pagka-disfellowship sa sumunod na buwan. Noong 1837–38, nagmisyon siya sa Upper Canada, at noong 1838 ay pinamunuan niya ang isang grupo ng mga Banal sa mga Huling Araw mula Canada patungong Missouri. Noong 1839, si Babbitt ay hinirang na tipunin ang lahat ng mga ulat at lathalain laban sa Simbahan na matatagpuan niya. Nang sumunod na taon, siya ay hinirang na pangulo ng stake sa Kirtland, Ohio. Muli siyang na-disfellowship noong 1840 at 1841 ngunit inalis ang pagka-disfellowship at nahirang na nangungulong elder sa Ramus, Illinois, noong 1843. Noong 1844, siya ay tinanggap sa Konseho ng Limampu, at noong 1846 naman, siya ay hinirang na isa sa limang trustee na responsable sa pananalapi at temporal na mga gawain ng Simbahan sa Nauvoo. Sumama siya sa Battle of Nauvoo, nang sapilitang paalisin ang natitirang mga Banal, at lumagda sa kasunduan ng pagsuko noong Setyembre 1846. Noong 1849, lumipat si Babbitt sa lugar na magiging Teritoryo ng Utah, kung saan, noong 1854, siya ay itiniwalag sa Simbahan.

Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 124