Kasaysayan ng Simbahan
Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Selah Griffin


Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Selah Griffin Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Selah Griffin, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Selah Griffin

(mga 1795–pagkatapos ng taong 1860)

Si Selah Griffin ay ipinanganak sa Virginia at pinakasalan ang isang babaeng nagngangalang Polly. Nabinyagan siya sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw noong Hunyo 1831. Matapos maorden bilang elder ni Joseph Smith, tinawag si Griffin sa pamamagitan ng paghahayag na magmisyon sa Missouri noong 1831 (Doktrina at mga Tipan 52:32; 56:5–6), na kanyang natupad. Kasunod nito ay lumipat siya sa Jackson County, Missouri. Noong 1833, lumipat siya kasama ang mga Banal sa Clay County, Missouri. Noong Pebrero 1835, hinirang siyang miyembro ng Ikalawang Korum ng Pitumpu. Sa taon ding iyon, siya ay hinirang na miyembro ng high council sa Kirtland. Noong 1836, lumipat siya sa Caldwell County, Missouri. Noong 1840, tumira siya sa Knox County, Illinois.

Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 5256