Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: John Whitmer, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
John Whitmer, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
John Whitmer
(1802–78)
Si John Whitmer ay ipinanganak sa Pennsylvania. Nabinyagan siya sa Seneca County, New York, noong Hunyo 1829. Si Whitmer ay naglingkod bilang isa sa mga tagasulat ni Joseph Smith sa pagsasalin ng Aklat ni Mormon at para sa rebisyon ng Biblia, at isa siya sa Walong Saksi ng Aklat ni Mormon. Ang ilang naunang paghahayag ay lubusan o bahagyang patungkol kay Whitmer (Doktrina at mga Tipan 15; 26; 30). Noong Disyembre 1830, lumipat siya sa Kirtland, Ohio mula sa New York. Noong 1831, siya ay hinirang na mananalaysay ng Simbahan (Doktrina at mga Tipan 47) at nagsimulang magsulat ng kasaysayan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (Doktrina at mga Tipan 69). Noong 1833, pinakasalan niya si Sarah Maria Jackson. Noong 1834, hinirang siyang assistant sa panguluhan ng Simbahan sa Missouri. Kalaunan ay naglingkod siya bilang patnugot ng Latter Day Saints’ Messenger and Advocate [Sugo at Tagapagtaguyod ng mga Banal sa mga Huling Araw], at noong 1836 at 1837, tinulungan niya ang mga Banal sa mga Huling Araw na magkaroon ng tirahan sa Far West, Missouri. Gayunpaman, siya ay itiniwalag noong Marso 1838 at pinalayas mula sa Far West sa sumunod na Hunyo.
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan