Kasaysayan ng Simbahan
Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Alvin Smith


Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Alvin Smith, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Alvin Smith, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Alvin Smith

(1798–1823)

Ipinanganak sa Tunbridge, Vermont, noong 1798, si Alvin Smith ang unang buhay na anak nina Joseph Smith Sr. at Lucy Mack at kuya ni Joseph Smith Jr. Noong taglamig ng 1816–1817 ay lumipat siya kasama ang kanyang pamilya sa Palmyra, New York. Tumulong siya sa pagtatatag ng bukid ng pamilya at nangasiwa sa pagtatayo ng tahanan ng mga Smith sa Manchester, New York. Siya ay matibay na naniniwala sa mga pagpapakita ng langit kay Joseph Smith at hinikayat ang kanyang kapatid na maging tapat upang matamo at mailabas nito ang Aklat ni Mormon. Namatay siya matapos ang malubhang karamdaman noong Nobyembre 1823. Naalala si Alvin na mabait, magiliw, at marangal, isang lalaking tapat.

Noong 1836, nakatanggap si Joseph Smith ng isang pangitain tungkol sa selestiyal na daigdig, at nakita roon si Alvin kahit pumanaw na ito bago pa ang pagpapanumbalik ng simbahan at ng priesthood at hindi pa nabinyagan ng awtoridad na iyon (Doktrina at mga Tipan 137).

Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 137