Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Warren A. Cowdery, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Warren A. Cowdery, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Warren A. Cowdery
(1788–1851)
Si Warren A. Cowdery, nakatatandang kapatid ni Oliver Cowdery, ay ipinanganak sa Wells, Vermont, noong 1788. Pinakasalan niya si Patience Simonds noong 1814. Noong 1834, si Cowdery ay nabinyagan sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw at hinirang bilang nangungulong elder ng Simbahan sa Freedom, New York (Doktrina at mga Tipan 106). Noong Pebrero 1836, lumipat siya sa Kirtland, Ohio, kung saan siya ang patnugot ng pahayagan ng Simbahan na Latter Day Saints’ Messenger and Advocate. Naglingkod din siya bilang klerk ni Joseph Smith at bilang miyembro ng high council sa Kirtland. Noong 1838, hindi siya nasiyahan sa pamunuan ng Simbahan at nanatili sa Kirtland matapos umalis ang marami sa mga Banal.
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan