Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Samuel Rolfe, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Samuel Rolfe, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Samuel Rolfe
(1794–1867)
Si Samuel Rolfe ay ipinanganak sa Concord, New Hampshire, noong 1794. Pinakasalan niya si Elizabeth Hathaway noong 1818. Si Rolfe ay nabinyagan sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw noong 1835. Noong Marso ng taong iyon, lumipat siya sa Kirtland, Ohio. Pagkaraan ng dalawang taon, tumira siya sa Caldwell County, Missouri. Noong 1841, lumipat siya sa Nauvoo, Illinois, kung saan siya naging pangulo ng priests quorum sa Nauvoo. Noong 1845, inorden si Rolfe bilang high priest. Mula 1846 hanggang 1847, siya ang bishop sa Winter Quarters, na kalaunan ay naging Nebraska. Apat na taon matapos lumipat sa Lambak ng Salt Lake, sa Teritoryo ng Utah, nanirahan si Rolfe sa San Bernardino, California, noong 1851. Kalaunan ay naglingkod siya sa stake presidency sa Los Angeles County. Bumalik siya sa Teritoryo ng Utah bago siya pumanaw noong 1867.
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan