Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Emma Hale Smith, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Emma Hale Smith, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Emma Hale Smith
(1804–79)
Si Emma Hale Smith ay ipinanganak noong 1804 sa lugar na magiging Harmony, Pennsylvania. Nagpakasal siya kay Joseph Smith noong 1827. Naglingkod siya bilang tagasulat sa pagsasalin ng Aklat ni Mormon noong 1828 at sa bagong pagsasalin ng Biblia noong 1830. Siya ay bininyagan ni Oliver Cowdery sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw noong Hunyo 1830 at kinumpirma kalaunan sa tag-init. Siya ay lumipat kasama ng kanyang asawa at ng iba pang mga Banal sa Kirtland, Ohio, noong 1831. Noong 1835, inedit niya ang unang himnaryo ng Simbahan, bilang pagsunod sa utos na ibinigay sa kanya ilang taon na ang nakararaan (Doktrina at mga Tipan 25). Siya ay lumipat kasama ng mga Banal sa Missouri noong 1838 at pagkatapos ay tumakas sa mga pag-uusig sa Missouri noong 1839, at kalaunan ay nanirahan sa Nauvoo, Illinois. Siya ay hinirang na unang pangulo ng Female Relief Society of Nauvoo, na sumuporta sa gawain sa Nauvoo Temple, naghanda ng kababaihan para sa mga ordenansa sa templo, at nagbigay ng mga pagkakataon para sa espirituwal na pagtuturo at pagkakawanggawa, noong Marso 1842.
Matapos mapaslang si Joseph Smith noong Hunyo 1844, nanatili si Emma sa Nauvoo. Siya ay nagpakasal kay Lewis C. Bidamon noong Disyembre 1847 at kalaunan ay sumapi sa Reorganized Church of Jesus Christ of Latter Day Saints, na pinamumunuan ng kanyang anak na si Joseph Smith III.
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan