Kasaysayan ng Simbahan
Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Thomas B. Marsh


Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Thomas B. Marsh, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Thomas B. Marsh, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Thomas B. Marsh

(1800–66)

Retrato ni Thomas B. Marsh

Thomas B. Marsh, retrato, Church History Library, MS 12377.

Si Thomas B. Marsh ay ipinanganak sa Acton, Massachusetts. Noong 1820, pinakasalan niya si Elizabeth Godkin. Siya at ang kanyang pamilya ay lumipat sa Palmyra, New York, noong Setyembre 1830, nang mabinyagan siya sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw at inorden bilang elder. Noong 1831, lumipat sila kasama ang mga Banal sa Kirtland, Ohio, kung saan siya inorden bilang high priest. Matapos tawagin sa pamamagitan ng paghahayag (Doktrina at mga Tipan 52:22; 56:575:31), nagmisyon siya kasunod nito sa Missouri at sa silangang Estados Unidos. Siya at ang kanyang pamilya ay lumipat sa Missouri noong 1832. Noong 1834, si Marsh ay hinirang na miyembro ng high council ng Zion sa Clay County, Missouri. Nang sumunod na taon, siya ay inorden bilang miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol at sinang-ayunang pangulo ng korum na iyon.

Nang ilathala ang Doktrina at mga Tipan noong 1835, idinagdag ni Marsh at ng iba pang mga miyembro ng Korum ng Labindalawa ang kanilang patotoo na ang aklat ay “ipinagkaloob sa pamamagitan ng patnubay ng Diyos” (Doktrina at mga Tipan Pambungad). Dalawang paghahayag sa aklat ang tuwirang patungkol kay Marsh, na pinapayuhan siya nang personal at bilang pangulo ng Korum ng Labindalawa (Doktrina at mga Tipan 31112).

Nilisan ni Marsh ang Simbahan noong 1838 at itiniwalag siya noong 1839. Noong 1857, siya ay muling nabinyagan at lumipat sa Teritoryo ng Utah.

Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 31, 52, 56, 75, 112118