Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Zera Pulsipher, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Zera Pulsipher, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Zera Pulsipher
(1789–1872)
Si Zera Pulsipher ay ipinanganak sa Rockingham, Vermont. Pinakasalan niya si Polley Randall noong 1810 na pumanaw noong mga 1811. Noong mga 1815, pinakasalan niya si Mary Brown. Habang nakatira sa New York noong 1832, siya ay nabinyagan sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw at inorden bilang elder. Lumipat siya sa Kirtland, Ohio, noong 1835. Pagkaraan ng dalawang taon, nagmisyon siya sa Upper Canada. Noong 1838, lumipat siya sa Missouri; noong 1839 naman ay lumipat siya sa Bear Creek, Illinois; at noong mga 1841, lumipat siya sa Nauvoo, Illinois. Doon siya hinirang na maglingkod bilang Pangulo ng Pitumpu. Noong 1846, lumipat siya sa Winter Quarters (kalaunan sa Omaha, Nebraska), at noong 1847, lumipat siya sa Lambak ng Salt Lake, sa Teritoryo ng Utah.
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan