Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Jared Carter, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Jared Carter, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Jared Carter
(1801–49)
Si Jared Carter ay ipinanganak sa Killingworth, Connecticut. Pinakasalan niya si Lydia Ames noong Setyembre 1823. Si Carter ay nabinyagan sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa Colesville, New York, noong Pebrero 1831. Kalaunan sa taon na iyon, inorden siya bilang priest, bilang pagsunod sa iniutos sa isang paghahayag (Doktrina at mga Tipan 52:38), at pagkatapos ay inorden siya bilang elder. Sa pagitan ng 1831 at 1833, nagmisyon siya sa silangang Estados Unidos at Teritoryo ng Michigan, at noong Mayo 1833 ay inorden siya bilang high priest. Noong Agosto 1833, siya ay hinirang sa pamamagitan ng paghahayag na maglingkod sa komite sa pagtatayo ng templo sa Kirtland, Ohio, (Doktrina at mga Tipan 94:13–15). Noong Pebrero 1834, siya ay hinirang sa high council sa Kirtland (Doktrina at mga Tipan 102:3), at di-nagtagal pagkatapos niyon ay tinawag siya sa isang maikling misyon sa Upper Canada. Sa pagbalik sa Kirtland, tumulong siya sa pagtatayo ng templo at nagkaroon ng stock sa Kirtland Safety Society. Noong 1837, lumipat siya sa Far West, Missouri, kung saan siya hinirang sa high council noong 1838. Noong 1839, lumipat siya sa Nauvoo, Illinois. Matapos ang maikling kaugnayan sa Church of Jesus Christ of Latter Day Saints ni James J. Strang sa Lunsod ng New York noong 1846, bumalik si Carter sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw bago pumanaw sa DeKalb, Illinois, noong 1849.
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan