Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: John A. Hicks, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
John A. Hicks, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
John A. Hicks
(hindi alam ang petsa ng kapanganakan–1897)
Si John A. Hicks ay maaaring ipinanganak sa County Fermanagh, Ireland, at marahil ay nandayuhan sa Canada kasama ang kanyang pamilya noong mga 1820. Pinakasalan niya si Margaret Wilson sa Upper Canada noong 1834. Siya ay nabinyagan sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw noong Hulyo 1838 at lumipat sa Nauvoo, Illinois, noong Mayo 1840. Nakasaad sa isang paghahayag noong Enero 1841 na ang kanyang responsibilidad sa priesthood ay “mamuno sa korum ng mga elder” sa Nauvoo (Doktrina at mga Tipan 124:137). Siya ay natiwalag noong Oktubre 1841.
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan