Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Wilford Woodruff, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Wilford Woodruff, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Wilford Woodruff
(1807–98)
Si Wilford Woodruff ay ipinanganak sa Farmington, Connecticut, noong 1807. Noong Disyembre 1833, nabinyagan siya sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw malapit sa Richland, New York. Noong 1834 ay lumipat siya sa Kirtland, Ohio, at sumama sa ekspedisyon ng Kampo ng Israel patungong Missouri. Mula 1834 hanggang 1836, nagmisyon siya sa Arkansas, Tennessee, at Kentucky. Noong 1836 ay inorden siya bilang Pitumpu. Nang sumunod na taon, pinakasalan niya si Phebe Carter sa Kirtland. Noong 1837 at 1838, nagmisyon si Woodruff sa New England at sa Fox Islands. Noong Hulyo 1838, tinawag siya sa pamamagitan ng paghahayag upang punan ang bakanteng posisyon sa Korum ng Labindalawang Apostol (Doktrina at mga Tipan 118:6). Pagkatapos ay nagmisyon siya sa Great Britain mula 1839 hanggang 1841. Noong 1841, lumipat siya sa Nauvoo, Illinois, kung saan siya ay miyembro ng Konseho ng Limampu. Mula 1844 hanggang 1846, pinanguluhan ni Woodruff ang British Mission. Noong 1846–47 ay lumipat siya sa Lambak ng Salt Lake sa Teritoryo ng Utah. Sa sumunod na apat na dekada, naglingkod siya sa iba’t ibang posisyon sa Simbahan, kabilang na ang pagiging mananalaysay ng Simbahan at pangulo ng templo sa St. George, Teritoryo ng Utah. Matapos pumanaw si John Taylor noong 1887, si Woodruff ay sinang-ayunan bilang ikaapat na Pangulo ng Simbahan. Nakatanggap siya ng paghahayag, na inilahad sa Manipesto noong 1890 (Opisyal na Pahayag 1), na tumapos sa pagsasagawa ng maramihang pagpapakasal sa Simbahan. Noong 1893 ay inilaan niya ang Salt Lake Temple. Inihayag ni Pangulong Woodruff ang paghahayag noong 1894 na naglilimita sa mga pagbubuklod sa ampon at nagtuon sa pagbubuklod sa mga kasal at ugnayan ng magulang at anak. Hinikayat niya ang mga miyembro na “saliksikin ang kanilang mga talaangkanan hanggang sa makakaya nila, at mabuklod sa kanilang mga ama at ina.” (Tingnan sa Mga Paksa sa Kasaysayan ng Simbahan, “Pagbubuklod.”) Pumanaw siya noong Setyembre 1898.
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan
Doktrina at mga Tipan 118, 124, 136, 138, Opisyal na Pahayag 1