Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Alpheus Cutler, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Alpheus Cutler, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Alpheus Cutler
(1784–1864)
Si Alpheus Cutler ay ipinanganak sa Plainfield, New Hampshire, noong 1784. Pinakasalan niya si Lois Lathrop sa Lebanon, New Hampshire, noong 1808. Noong Enero 1833, nabinyagan si Cutler sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa Chautauque County, New York. Nang sumunod na taon, lumipat siya sa Kirtland, Ohio, kung saan nakibahagi siya sa paggawa ng Kirtland Temple at naglingkod sa high council sa Kirtland. Noong 1836 ay lumipat si Cutler sa Ray County, Missouri, at noong 1838 naman ay lumipat siya sa Caldwell County, Missouri. Noong ng tag init ng 1839, lumipat siya sa Commerce, Illinois, na kalaunan ay pinalitan ng pangalang Nauvoo. Siya ay miyembro doon ng high council at ng komite sa pagtatayo ng templo. Noong 1841 at 1842, nagmisyon siya sa Wisconsin Territory para makakuha ng mga tabla o kahoy para sa pagtatayo ng Nauvoo Temple. Pagkabalik sa Nauvoo, si Cutler ay naging miyembro ng Konseho ng Limampu. Noong Abril 1845, nahalal siyang pangulo ng bayan ng Nauvoo. Nang sumunod na taon, pinamunuan niya ang ikatlong grupo ng mga Banal sa mga Huling Araw palabas ng Nauvoo. Pinili niya ang lugar ng Winter Quarters sa hindi organisadong teritoryo ng Estados Unidos (kalaunan sa Omaha, Nebraska) bilang pansamantalang tirahan ng mga Banal. Noong Abril 1851, si Cutler ay itiniwalag sa Simbahan. Pagkaraan ng dalawang taon, itinatag niya ang Simbahan ni Jesucristo (Cutlerite) sa Fremont County, Iowa.
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan