Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Samuel Smith, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Samuel Smith, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Samuel Smith
(1808–44)
Ipinanganak sa Tunbridge, Vermont, si Samuel Smith ay nakababatang kapatid ni Joseph Smith Jr. Si Samuel ay bininyagan ni Oliver Cowdery noong Mayo 1829 at isa sa Walong Saksi ng Aklat ni Mormon makalipas ang isang buwan. Noong ika-6 ng Abril 1830, naging isa siya sa anim na orihinal na miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Noong Hunyo ng taong iyon, siya ay inorden bilang elder at nagmisyon sa New York. Matapos tawagin sa pamamagitan ng paghahayag (Doktrina at mga Tipan 52:30; 61:35; 66:8; 75:13), nagmisyon siya kalaunan sa Ohio, Missouri, at sa silangang Estados Unidos. Si Samuel ay inorden bilang high priest noong Hunyo 1831, nag-aral sa Paaralan ng mga Propeta simula noong 1833, at hinirang na miyembro ng unang high council sa Kirtland, Ohio, noong 1834 (Doktrina at mga Tipan 102:3). Pinakasalan niya si Mary Bailey noong 1834. Sandali siyang nanirahan sa Missouri bago umalis kasama ang iba pang mga Banal, pagkatapos ay lumipat siya sa Quincy, Illinois, at sumunod ay sa Nauvoo, Illinois, kung saan siya hinirang na bishop noong 1841 (Doktrina at mga Tipan 124:141). Sa simula ng taon ding iyon, pumanaw ang kanyang asawa; siya ay nag-asawang muli at ikinasal kay Levira Clark kalaunan noong 1841. Pumanaw si Samuel sa Nauvoo isang buwan lamang matapos mapaslang ang kanyang mga kapatid na sina Joseph at Hyrum Smith.
Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan