Kasaysayan ng Simbahan
Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Solomon Humphrey Jr.


Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Solomon Humphrey Jr., Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Solomon Humphrey Jr., Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Solomon Humphrey Jr.

(1775–1834)

Si Solomon Humphrey Jr. ay ipinanganak sa Simsbury, Connecticut. Pinakasalan niya si Ursula Andrews. Dating mangangaral ng kongregasyong Baptist, siya ay nabinyagan sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw at inorden bilang elder, marahil ni Joseph Smith, nang bisitahin niya si Joseph Smith sa kanlurang New York noong taglagas ng 1830. Noong Mayo 1831, sinamahan niya ang grupo ni Lucy Mack Smith na lumipat mula sa Seneca County, New York, patungong Kirtland, Ohio. Hinirang siyang magmisyon noong Hunyo 1831 (Doktrina at mga Tipan 52:35) at Disyembre 1832. Sumama si Humphrey sa ekspedisyon ng Kampo ng Israel patungong Missouri noong 1834. Pumanaw siya sa Clay County, Missouri.

Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 52