Kasaysayan ng Simbahan
Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Zebedee Coltrin


Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Zebedee Coltrin Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Zebedee Coltrin, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

Zebedee Coltrin

(1804–87)

Larawan ni Zebedee Coltrin

Zebedee Coltrin, mga 1865, retrato ng charcoal portrait, Church History Library, PH 1700 3734.

Si Zebedee Coltrin ay ipinanganak sa Ovid, New York, noong 1804. Pinakasalan niya si Julia Ann Jennings noong Oktubre 1828. Noong Enero 1831, siya ay nabinyagan sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw at inorden bilang elder. Noong Hunyo 1831, tinawag siya sa pamamagitan ng paghahayag na magmisyon kasama si Levi Hancock (Doktrina at mga Tipan 52:29). Noong 1831 at 1832, naglingkod siya bilang proselytizing missionary sa Missouri, Illinois, Indiana, Michigan, at Ohio. Nang sumunod na taon, nakibahagi siya sa mga pulong tungkol sa pundasyon ng Paaralan ng mga Propeta sa Kirtland, Ohio. Sa isa sa mga unang pulong na ito, nakita niya at ng iba pa si Jesucristo at ang mga anghel; naalala rin kalaunan ni Coltrin na nakita nila ang Ama sa Langit. Matapos magmisyon sa silangang Estados Unidos at Canada, nagmartsa si Coltrin mula Ohio patungong Missouri bilang bahagi ng Kampo ng Israel noong 1834. Sa pagbalik sa Kirtland, hinirang siyang pangulo ng Unang Korum ng Pitumpu noong Pebrero 1835 ngunit muling tinawag sa korum ng mga high priest noong Abril 1837. Noong Pebrero 1843, dalawang taon matapos pumanaw ang kanyang unang asawa, pinakasalan ni Coltrin si Mary Mott. Nang sumunod na Hunyo ay tumira na siya sa Nauvoo, Illinois. Noong 1847 ay lumipat siya sa Lambak ng Salt Lake sa Teritoryo ng Utah kasama ng mga Banal.

Mga Reperensya sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 52